Attention: change in terms and conditions. New terms and conditions valid from the 8th March 2009
Ang mga kasalukuyang customer (iyong mga nakarehistro bago ang petsang 08.03.2009) ay maaaring tumutol sa posibilidad na paggamit ng bagong mga Tuntunin at Kondisyon sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang nakasulat/ nasa teksto na paunawa sa Gameforge bago sumapit ang ika-15 ng Abril 2009. Sa ganitong kaso, ang bagong mga Tuntunin at Kondisyon ay hindi isasama sa kasunduan. Gayon pa man, napanghahawakan ng Gameforge ang karapatan na tapusin ang mga ugnayan dulot ng kontrata sa kawalan ng isang mainam na basehan.
Ang mga Patakaran at Kondisyon ay magkaka-bisa mula ika-08.03. at maaaring makita dito.
Patakaran ng Paggamit
1. Sumasailalim sa mga patakaran ng paggamit; saklaw
1.1 Ang mga sumusunod na kondisyon ang namamahala sa paggamit ng mga larong online na nilaan ng Gameforge Productions LLC o Gameforge 4D GmbH, kapwa nasa Albert-Nestler-Strasse 8, 76131 Karlsruhe o iba pang grupo na kompanya ng Gameforge ("Gameforge") sa mga Gameforge Internet sites at iba pang mga inihahandog na serbisyo. Ang mga pinamamahalaan na Internet sites ng Gameforge na kasama sa partikular ang Gameforge internet portal na
www.mmogame.com pati rin ang mga indibiduwal na online sites ng paglalaro.
1.2 Ang mga patakaran ng paggamit na ito ay ganap na pinapalitan ang lumang salin na patakaran ng paggamit ng Gameforge.
1.3 Inihahandog ng Gameforge ang mga larong online at iba pang mga serbisyo na nasasaklaw sa balangkas ng mga kakayahang tekniko at operasyon na may humigit-kumulang na 98% na pagkahandang magamit taun-taon. Hindi kasama dito ang mga panahon na kung saan ang paggamit ng larong online at iba pang mga inihahandog na serbisyo ay naabala o naaapektuhan sanhi ng maagap na kailangan lutasing problemang teknikal o dahil sa kinakailangan ng pagkukumpuni na hindi kinakailangan na magkaloob ng kabayaran ang Gameforge alinsunod sa mga kondisyon ng kasunduan na ito.
1.4 Ang mga larong online at iba pang hinahandog na serbisyo ay patuloy na pinapahusay, ina-update at inaangkop ng Gameforge. Samakatuwid, ang gumagamit ay may pagkakataon lamang na sumali sa kani-kaniyang larong online at iba pang mga inihahandog sa kasalukuyang salin. Hindi kasama dito ang karapatan ng Gameforge na kanselahin ang larong online o iba pang mga inihahandog na serbisyo ng walang abiso.
1.5 Ang mga larong online at iba pang mga inihahandog na serbisyo ng Gameforge ay nilalayon para sa nag-iisang layunin lamang ng paglilibang. Ipinagbabawal ang paggamit para sa negosyo o pangkalakal.
1.6 Ang gumagamit mismo ang mananagot sa pagka-nasapanahon at kaangkupan ng software at hardware nito.
1.7 Bilang karagdagan sa mga patakaran ng paggamit na ito, ang umiiral na mga tuntunin para sa indibiduwal na larong online ay gagamitin, kung mayroon man. Kung sakaling may pabago-bago sa mga patakaran ng paggamit na ito at ng tuntunin ng laro, ang mga kondisyon ng patakaran na ito ang mananaig. Para sa indibiduwal na larong online, ang partikular na salin at/o mga bahagi ng larong online at indibiduwal na inihahandog na serbisyo sa mga Internet page ng Gameforge ay paggagamitan din ng mga partikular na patakaran ng paggamit. Ipagbibigay-alam sa gumagamit bago gamitin ang natukoy na inihahandog sa isang naangkop na paraan.
1.8 Sa iba’t-ibang mga larong online at ibang mga serbisyo, may pagkakataon ang gumagamit na gamitin ang serbisyo ng mga kontratista ng Gameforge. Sa ganitong kaso, isang hiwalay na kontrata sa pagitan ng gumagamit at ng natukoy na kontratista ng Gameforge ang gagamitin. Ipagbibigay-alam sa gumagamit bago ang konklusyon ng kontrata.
1.9 Ang iba pang kondisyon o mga patakaran at kondisyon ng gumagamit ay ipapatupad lamang kung pumayag ang Gameforge sa katotohanan nito sa pamamagitan ng nakasulat na pahintulot.
2. Konklusyon ng Kontrata
2.1 Ang pagpaparehistro ng gagamit ay unang kailangan para sa paggamit ng larong online at iba pang mga inihahandog na serbisyo ng Gameforge.
2.2 Ang pagpaparehistro ay nakalaan lamang sa mga natural na tao. Ang mga indibiduwal lamang ang tinatanggap bilang awtorisadong mga gumagamit(walang grupo, pamilya, habang-buhay na kinakasama, at iba pa.). Hanggang sa menor de edad pa ang gumagamit, pinatotohanan niya na sa pamamagitan ng pagpapadala ng kahilingan sa pagpaparehistro, mayroong handang may bisang pahintulot ng mga legal na kinatawan.
2.3 Sa pagpaparehistro, kailangan magbigay ang gumagamit ng pangalan ng manlalaro at isang naka-rehistrong e-mail address. Ang gumagamit ay walang karapatan na makatanggap ng natatanging pangalan ng manlalaro. Ang pangalan ng manlalaro ay hindi dapat lumabag sa karapatan ng pangatlong partido at hindi din dapat makainsulto sa kawastuhan ng pag-uugali ng madla. Maliban pa sa nasabi, walang e-mail o Web address ay maaaring piliin bilang pangalan ng manlalaro. Titiyakin ng gumagamit na lahat ng impormasyon na ipinagkaloob sa Gameforge sa pagpaparehistro ay totoo at kumpleto.
2.4 Ang pagpaparehistro ay nararapat na gawin ng indibiduwal. Ang aplikasyon mula sa pangatlong partido, lalong-lalo na ang pangatlong partido,na nagsasagawa ng rehistrasyon ng mga indibiduwal para sa layunin ng kalakal para sa iba't -ibang mga nagkakaloob ng tele-services (application na serbisyo o pagtala na serbisyo), ay hindi pinapayagan.
2.5 Ang paggamit ng pahayag ng rehistrasyon sa portal ng Gameforge at sa karamihan ng mga gaming sites ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpapatotoo ng rehistrasyon na pinapadala sa e-mail. Sa e-mail na ito, ang gumagamit ay makakatanggap ng activation link. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga activation lik, papaganahin ng Gameforge ang account ng gumagamit at manlalaro. Sa awtorisasyon o iba pang aktibasyon ng Gameforge, isang kasunduan para sa walang taning na lisensya sa pagitan ng Gameforge at ng gumagamit ng mga kondisyon na ito ay magtatapos. Sa mga indibiduwal na kaso, ang pamamaraan ng pagpaparehistro ay maari mag-iba, na kung sa gayon ay ipagbibigay-alam ito sa gumagamit.
2.6 Sa matagumpay na pagpaparehistro, magbubukas ang gumagamit ng account ("user account") na kung saan pangangasiwaan ito mag-isa ng gumagamit. Maaaring magbukas ang gumagamit ng user account sa parehong Gameforge portal page at pati rin sa online na game site. Ang user account na nilikha sa Gameforge portal ay maaring gamitin ng gumagamit para sa lahat ng mga larong online na nilagyan ng link Gameforge sa Gameforge portal. Salungat dito, ang user account na nilikha sa online na gaming site ay hindi magagamit sa ibang larong online.
2.7 Kung wala ang maliwanag na pahintulot ng Gameforge, ang user account ay hindi maaring ilipat.
2.8 Walang ibinigay na karapatan para sa pagpaparehistro at aktibasyon. Ang gumagamit ay pinapayagan na magparehistro ng isang beses lamang sa bawat round. Kapag nagparehistro na ang gumagamit para sa nasabing round, hindi na maari magrehistro muli ang gumagamit, halimbawa, sa pamamagitan ng pagtitiyak ng iba o binagong personal na data, para sa parehong round para sa tagal ng kasalukuyang rehistrasyon.
3. Patakaran sa Pagpapawalang-Bisa
Karapatan sa pagpapawalang-bisa
Maari mong kanselahin ang iyong kontrata sa pamamagitan ng kasulatan sa loob ng dalawang linggo ng hindi kinakailangang magbigay ng dahilan (hal. sulat, fax, e-mail). Ang nasabing panahon ay magsisimula sa sandaling matanggap ang nakasulat na tagubilin na ito at hindi mauna sa ating obligasyon ng pagsisiwalat alinsunod sa § 312c, seksyon 2 ng German Civil Code (BGB) na may kaugnayan sa § 1, seksyon 1, 2 at 4 BGB InfoV at pati rin ang aming obligasyon batay sa § 312e, seksyon 1, pangungusap 1 BGB bilang kaugnayan sa § 3 BGB InfoV. Upang mabantayan ang panahon ng pagpapawalang-bisa, sapat na ipadala ang abiso ng pagpapawalang-bisa sa isang nasapanahon na paraan. Ang pagpapawalang-bisa ay kailangan ipadala sa: Gameforge Productions GmbH, Albert-Nestler-Strasse 8, 76131 Karlsruhe
Konsikuwensya
Kung sakali na mayroong mabisang pagpapawalang-bisa, ang benebisyo na matatanggap ng bawa’t partido ay isasauli at kahit na anong paggamit (hal. interes) ay isusuko. Kung sakaling hindi mo maibabalik ang mga natanggap na serbisyo ng buo o parte o sa isang sirang kondisyon lamang, ikaw ay may obligasyon na magbigay ng kabayaran, kung naaankop. Ang obligasyon na magsauli ng bayad ay dapat maisagawa sa loob ng 30 na araw. Ang panahon ay nagsisimula sa iyo sa sa sandaling isumite mo ang iyong pagpapawalang-bisa, para sa amin naman ay sa sandaling matanggap namin ito.
Mga natatanging tala
Ang iyong karapatan sa pagpapawalang-bisa ay magpapaso ng mas maaga sa itinakda kung simulan ng Gameforge na ibigay ang serbisyo ng mayroong maliwanag na pahintulot mula sa iyo bago matapos ang panahon ng pagpapawalang- bisa, o kung ikaw mismo ang mag-utos nito. Ito ay karaniwan na inaakala na umiiral kapag ang gumagamit ay sumali sa larong online o iba pang inhahandog na serbisyo.
Pagtatapos ng patakaran sa pagpapawalang-bisa
4. Panlahat na obligasyon ng gumagamit
4.1 Data ng gumagamit
Sumasang-ayon ang gumagamit na ipagkaloob sa Gameforge ang lahat ng panghinaharap na pagbabago sa kanyang data sa rehistrasyon, lalo na ang pagbabago sa e-mail address, ng walang pagpapaantala. Ang gumagamit ay obligado, na patotohanan ang Gameforge kapag hiniling ang ganap na kawastuhan ng kanyang data.
4.2 Log-in data, pagkakakilanlan, mga password
4.2.1 Ang gumagamit ay obligado na panatilihin ang mahigpit na kompidensyal ng log-in data at lahat ng pagkakakilanlan at mga passwords. Maaring ilagay ng gumagamit ang log-in data sa mga pinamamahalaang Internat page ng Gameforge lamang.
4.2.2 Ang katawagan na “log-in data” at “pagkakakilanlan at mga password” ay dapat makasama ang lahat ng letra at/o titik at/o pagkakasunod-sunod ng numero, na ginagamit upang patunayan ang gumagamit at upang huwag pahintulutan ang paggamit ng hindi awtorisadong pangatlong partido. Ang password ay kailangan hindi kapareho sa pangalan ng manlalaro at kailangan na ito ay binubuo ng kombinasyon ng mga numero at mga letra.
4.2.3 Ang gumagamit ay obligado na pangalagaan ang lahat ng log-in data, pagkakakilanlan at mga password mula sa pagpasok ng walang awtorisasyon na mga pangatlong partido.
4.2.4 Sa kaganapan na ang gumagamit ay may dahilan na paniwalaang may pangatlong partidong nakatamo ng nasabing impormasyon, o maaring nagawa ito, dapat niya ipaalam ito sa Gameforge kaagad at baguhin ang kanyang data o ipabago ito sa Gameforge. Sa ganitong kasoo sa pangyayari na may ebidensya ang Gameforge ng maling paggamit ng data, may karapatan ang Gameforge na haranging pansamantala ang pagpasok ng gumagamit. Ang gumagamit ay papayagan muli na gumamit sa panahon na ang hinala ng maling paggamit ay nawala na.
4.2.5 Ang gumagamit ay hindi pinapayagan, sa kahit na anong pagkakataon, na gamitin ang log-in data ng ibang gumagamit, maliban kung ang mga tuntunin ng laro ay nagkaloob ng tiyak na pagpapaliban.
4.3 Ang paggamit ng Gameforge Internet page at ang nilalaman ng Internet page
4.3.1 Ang mga website ng Gameforge ay may iba’t ibang uri ng nilalaman na pinoprotektahan ng mga tatak-pangkalakal, mga copyright o sa pamamagitan ng ibang paraan na tumataguyod sa Gameforge o para sa mga benepisyo ng pangatlong partido. Maliban kung maliwanag na pinapayagan sa saklaw ng mga patakaran sa paggamit na ito, ang gumagamit ay hindi binibigyan ng karapatan na baguhin, kopyahin, ipamahagi, gawin muli para sa publiko, gamitin para sa pagpapatalastas o gamitin ito sa labas ng napagsang-ayunan sa kontrata na pakay ng Gameforge Internet pages o ang nilalaman o kahit na anong bahagi mula doon. Pinapahintulutan lamang ang teknikal na pagpaparami para sa pakay ng browsing at pati na rin ang permanente na pagpaparami para lamang sa pribadong paggamit. Ang impormasyon ng copyright at tatak ay hindi maaring baguhin at hindi dapat pigilin o alisin.
4.3.2 Ang katawagan na "nilalaman" ay kinabibilangan ng lahat ng mga data, imahe, teksto, grapika, musika, tunog, pagkasunod- sunod ng tunog, videos, software programs at code, at iba pang impormasyon, na ipinagkaloob ng Gameforge sa kanilang mga Internet page. Ang katawagan na "nilalaman" ay kinabibilangan din ang lahat ng handang magagamit na inihahandog na serbisyo para sa downloading.
4.3.3 Ang gumagamit ay obligado na hindi sumali sa kahit na anong hakbang na maaring ilagay sa kompromiso o abalahin ang wastong pagganap ng Gameforge Internet sites o mga indibiduwal na serbisyo, at pati rin ang pagkuha ng data na kung saan walang karapatan ang gumagamit. Ang pagkuha muli ng mga nilalaman ay maari lamang mangyari sa paraan na kung saan ang paggamit ng Gameforge Internet sites at ng mga nilalaman nito sa pamamagitan ng ibang gumagamit ay hindi apektado. Ang paglipat ng data o software na maaring makaimpluwensiya sa hardware o software mula sa mga tumatanggap ay hindi pinapahintulutan.
4.3.4 Ang kahit na anong paggamit ng mga Gameforge Internet site para sa layunin na pangkalakal, lalo na ang pagpapatalastas, ay nangangailangan ng maliwanag na naunang pahintulot ng Gameforge.
4.3.5 Ang gumagamit ay walang karapatan na ipalathala ang nilalaman ng mga Gameforge Internet page.
4.3.6 Ang paggamit ng mga Gameforge Internet site sa pamamagitan ng anonymization na serbisyo na itinatago ang tunay na IP address ng gumagamit ay hindi pinapayagan.
4.4 Mga link
Pinapayagan na magtatag ng link sa mga websites ng Gameforge sa saklaw na magsisilbi ito bilang pantukoy sa impormasyon. Nakareserba sa Gameforge ang karapatan na bawiin ang pahintulot na ito. Subalit, hindi pinapayagan na isama o ipakilala ang Gameforge Internet sites o ang mga nilalaman nitosa pamamagitan ng hyperlink sa isang partial window (frame).
4.5 Ang paggamit ng software ng kliyente
Ipinagkakaloob ng Gameforge sa mga gumagamit - nang paghahandog (kasama ang mga laro), na kumakailangan ng naunang instalasyon ng software ng kliyente – ang hindi-ekslusibo (simple) na karapatan, limitado ang panahon sa pagkakaroon ng rehistrasyon sa Gameforge, na ikabit at gamitin ang software ng kliyente. Ang gumagamit ay may pahintulot lamang para sa pagkopya ng software ng kliyente kung ito ay kinakailangan para sa paggamit ng software ayon sa kontrata. Ang kahit na anong uri ng pagkopya ng software para sa layuning pangkalakal ay ipinagbabawal. Ang pagbabago sa software ng kliyente at ang paggawa ng back copy ng code ng software sa ibang mga uri (decompilation) at iba pang uri ng pabaliktad na pang- inhinyero ng iba’t-ibang yugto ng paggawa ng software ay ipinagbabawal.
5. Mga tiyak na patakaran ng paggamit para sa larong online
5.1 Ang gumagamit ay maaring sumali sa kahit na anong round ng larong online na gamit ang isang user account lamang maliban kung may nakasaad na hindi kasali sa mga tuntunin. Ang paggamit ng maraming mga user account ay hindi pinapayagan. Ang maraming mga user accounts ay maaring burahin o harangin sa kahit na anong oras sa pag-iingat ng Gameforge.
5.2 Ipinagbabawal sa gumagamit ang kahit na anong uri ng manipulative interference sa larong online. Lalong-lalo na, ang gumagamit ay walang karapatan na gumamit ng mga hakbangin, mekanismo o software na maaring makasagabal sa pagganap o pagtakbo ng laro. Ang gumagamit ay hindi maaring gumawa ng hakbangin na maaring magdulot ng hindi makatuwiran o malubhang pabigat sa kakayahang teknikal. Ang gumagamit ay hindi pinapayagan na harangin, baguhin ang nakasulat o baguhin ang nilalaman na nililikha ng pangasiwaan ng laro o manghimasok sa kahit na anong paraan sa laro.
5.3 Ipinagbabawal din sa gumagamit ang pagpapatakbo sa larong online (kasama ang lahat na indibiduwal na mga web page) sa ibang mga programa maliban sa Internet browser o ang programa ng kliyente na inilaan. Tinutukoy nito lalo na ang tinatawag na bots at iba pang kagamitan na ang layon ay palitan o dagdagan ang Web interface. Ipinagbabawal din ang scripts at kumpleto o hindi buo na awtomatikong programa na nagbibigay sa gumagamit ng kalamangan sa ibang gumagamit. Kasama na rito ang mga auto-refresh-functions at iba pang nakapaloob na mekanismo ng Internet browser, kung kasama dito ang awtomatiko na operasyon.
5.4 Ang gumagamit ay hindi maaaring gawin sa kahit na anong pagkakataon
a) lumikha o gumamit ng pandaya, mods at/o hacks, at kahit na anong pangatlong partido na software na produktong maaring makapagpabago sa resulta ng larong online,
b) ang paggamit ng software, na pinapayagan ang "data mining" o kaya’y hinaharang o iniipon ang impormasyon na konektado sa larong online,
c) ang paggamit sa labas ng larong online, pagbili para sa "tunay" na pera o magbenta o magpalitan ng tunay na bagay na ginagamit sa mga larong online.
Kasama dito ang lahat ng pag-iwas, mga kaparehong kilos o mga kilos na katulad ang epekto sa nabanggit na ipinagbabawal.
5.5 Ang paggamit ng panghadlang na hakbang sa patalastas ay ipinagbabawal. Hindi mahalaga kung ang anunsyo ay sinasadya ang paghadlang o karaniwang hinaharang halimbawa: ang mga tinatawag na Pop-Up Blockers, o mga tulad nito.
5.6 Ang paglog-in ay pinapayagan lamang sa homepage ng bawa't larong online at sa Gameforge portal page. Ang awtomatiko na pagbukas ng user accounts, kung ang home page man ay nakikita o hindi, ay hindi pinapayagan.
5.7 Ang Gameforge o nang kontratista na binigyan ng kapangyarihan lamang ng Gameforge ay mayroong lahat ng karapatan sa mga bagay na ginagamit sa larong online at mga tunay na bagay na binibigay na may kabayaran. Pareho din sa mga nilikha na tunay na bagay ng gumagamit. Binibigyan ng gumagamit ang Gameforge ng spatio-temporal at textual unrestricted,na ekslusibong karapatan sa paggamit ng sariling likha na tunay na bagay. Kasama sa karapatan na ito, lalolong-lalo na,ang karapatan sa pagkopya, distribusyon, at pagproseso. Ang gumagamit ay makakatanggap lamang ng hindi ekslusibo na karapatan sa paggamit ng tunay na bagay para sa panahong itatagal ng kontrata.
6. Mga tiyak na kondisyon sa paggamit ng mga pasilidad ng komunikasyon (partikular na rito ang mga forum ng talakayan, chat, komentaryo) sa mga Gameforge website
6.1 Sa pamamagitan ng iba’t-ibang pasilidad ng komunikasyon (partikular na rito ang mga forum ng talakayan, chats, blogs, mga guest book at iba pang tulad nito, pati rin ang nasasaklaw sa tungkulin ng komentaryo), maaaring ilathala ng gumagamit ang sariling nilalaman at mga kontribusyon sa Gameforge Web pages. Sa ganitong paraan, binibigay lamang ng Gameforge ang mga teknikal na pasilidad para sa palitan ng impormasyon.
6.2 Tinatanggap ng gumagamit ang responsibilidad para sa kanyang nilalaman at kontribusyon at nangangakong ilabas ng ganap ang Gameforge mula sa kahit na anong paghahabol ng pangatlong partido o demanda. Malinaw na hindi inaako ng Gameforge ang nilalaman na inilagay ng mga gumagamit. Subalit, ipinagkakaloob ng gumagamit sa Gameforge ang permanente, hindi mababawi at hindi ekslusibo na karapatan na gamitin ang nilalaman at kontribusyon na nilagay niya. Ipinaaalam ng Gameforge na ang Gameforge ay walang aktibo na sistema sa pamamahala sa inilagay na laman. Subalit, sa halip ay nagsasagawa ng mga random na pag-audit. Bilang karagdagan, ang bawa’t gumagamit ay may opsyon na ipaalam sa Gameforge ang pinaghihinalaang ilegal na nilalaman. Ang Gameforge ay tutugon kaagad ang ipinaalam na nilalaman at babaguhin o buburahin ito, kung kinakailangan.
6.3 Ang gumagamit ay pinagbabawalan na maglathala o mamahagi ng nilalaman sa Gameforge Internet pages at lalo na sa pagkakaunawa ng mga pasilidad ng komunikasyon, na
a) lumalabag sa batas, mali o imoral;
b) lumalabag sa marka ng kalakal, patente, kagamitan o disenyo na modelo, copyright, sekreto sa kalakal o iba pang karapatan ng pangatlong partido;
c) ay masagwa, rasista, marahas, pornograpya, pang-matanda lamang ang nilalaman o kaya’y ang pag-unlad ng kabataan at magsapanganib o likas na nakakasakit sa paglaki ng mga bata at kabataan ;
d) ay likas na abusado, nakakaligalig o naninirang-puri;
e) may nilalaman na chain letter o pyramid scheme;
f) pasinungaling na minumungkahi na ito ay ibinigay o itinataguyod ng Gameforge;
g) ay may nilalaman na personal na data ng pangatlong partido na wala ang kanilang maliwanag na pahintulot;
h) ay pangkalakal, lalong-lalo na kung ang layunin ang ukol sa pagtataguyod.
6.4 Ang pagsama ng mga Internet sites, kompanya o pangalan ng produkto ay pinapayagan lamang kapag ang unang layunin nito ay ukol sa pagpapatalastas.
6.5 Ang lahat ng gumagamit ng pasilidad ng komunikasyon na inilaan sa Gameforge Internet pages ay kinakailangan na mamili ng karapat-dapat na mga salita. Ang nakakasakit na pagpintas o pag-atake sa mga tao sa paraan na mapanira ay dapat iwasan.
6.6 Sa kabila ng iba pang karapatan sa ilalim ng patakaran ng paggamit na ito, ang Gameforge ay may karapatan na baguhin at burahin ng ganap o ang isang bahagi ng nilalaman at kontribusyon, na lumalabag sa mga patakaran. Ang Gameforge ay may karapatan din na hindi isali ang mga gumagamit sa lumalabag sa mga patakaran na ito, nang kabuuan o pansamantala mula sa paggamit ng larong online, Gameforge Internet pages at iba pang inihahandog na serbisyo.
7. Mga resulta ng pagpapawalang-halaga sa tungkulin
7.1 Ang Gameforge ay hindi mananagot sa kapinsalaan na resulta ng pagpapawalang-halaga sa tungkulin ng gumagamit.
7.2 Datapwa't, ang iba pang ayon sa batas o karapatan sa kontrata, sa sariling diskresyon ng Gameforge, ay maaring gumawa ng sumusunod na hakbangin, kung mayroong ebidensya kung saan ang gumagamit ay lumalabag sa kondisyon na ayon sa batas, karapatan ng pangatlong partido, mga patakaran ng paggamit na ito o kahit na anong naaangkop na karagdagan sa mga tuntunin at patakaran ng laro:
a) baguhin o burahin ang nilalaman,
b) magbigay ng babala sa gumagamit,
c) publikasyon ng masamang-asal sa kani-kaniyang larong online na bumabanggit ang pangalan ng gumagamit,
d) pansamantala o permanente na pagharang sa gumagamit mula sa indibiduwal o lahat ng larong online at nilalaman ng Gameforge Internet page,
e) pagpapaalis sa gumagamit,
f) pagpapalabas ng pansamantala o permanenteng tunay na pagbabawal mula sa bahay sa kasong paglabag ng seksyon 6, o
g) kaagad na pagtatapos ng kontrata.
7.3 Kung ang gumagamit ay hinarang o pinaalis, hindi na siya maaring magparehistro muli ng walang naunang pahintulot ng Gameforge. Walang karapatan para sa pagtanggi sa pagpapalayas, tunay na pagbabawal mula sa bahay o iba pang hakbangin.
8. Bayad sa paggamit
8.1 Maliban kung pinahayag, ang paggamit ng larong online at iba pang inihahandog na serbisyo ay walang bayad.
8.2 Gayon pa man, ang gumagamit ay maaring bumili ng indibiduwal na inihahandog na serbisyo at indibiduwal na tampok na inaalok sa koneksyo ng larong online. Hiwalay na ipagbibigay-alam sa gumagamit ang ukol sa klase ng tampok para sa pagbili, lalo na kung ano ang pagganap na mayroon ang bawa’t tampok, marahil sa panahong itatagal ng tampok na maaring bilhin, ang presyo ng pagbili at ang magagamit na paraan ng pagbayad na kaugnay sa larong online.
8.3 Kapag ang isang menor de edad ay gustong bumili ng mga tampok na ipinagbibili, tinitiyak niya na natanggap niya ang pondo para sa pagbili mula sa kanyang legal na tagapag-alaga para sa dahilan na ito o para sa hindi pagbabawal na paggamit.
8.4 Ang pinagkasunduan na singilin ay dapat bayaran sa pagtatapos ng kontrata. Ang debit na pagbayad ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng may awtorisadong tagabigay ng serbisyo, na kung saan ang pagkuha ng pera ay maaring gawin ng ilang araw na nauna upang tiyakin ang tuloy-tuloy na paggamit. Sa mga indibiduwal na kaso, ang pangkalahatan mga patakaran at kondisyon mula sa awtorisadong tagabigay ng serbisyo ay maaring ipatupad.
8.5 Sinisiguro ng gumagamit na lahat ng ibinigay na impormasyon na may kaugnayan sa kahulugan ukol sa pagbabayad (kasama ang bangko, numero ng credit card number, at iba pa) ay kumpleto at tama.
8.6 Ang opsyon ng pagbabayad ay magkakaiba ayon sa larong online, ang kalahok na bansa at pagiging handa sa market ng magagawang teknikal na opsyon sa pagbabayad. Nakareserba ang karapatan ng Gameforge na baguhin ang opsyon ng pagbabayad.
8.7 Walang paghahabol sa muling pagbabayad alinsunod sa mga singilin na nabayaran na maliban kung ang pagkakaanib ay tinapos ng Gameforge at ang pagtapos ay hindi sanhi ng pag-uugali ng gumagamit.
8.8 Nakareserba ang karapatan ng Gameforge na baguhin ang singil para sa mga tampok ng laro (kasama dito ang tunay na pera). Kasama dito ang karapatan ng Gameforge na bawasan o dagdagan ang singil para sa indibiduwal na tampok ng laro.
8.9 Kung sakali na hindi makabayad, may madadagdagan na interes na naayon sa batas. Ang Gameforge ay may karapatan din na harangin ang user account, upang makabawi sa mga pinsala at hintuin ang serbisyo.
8.10 Kung sakali na, sanhi ng kasalanan ng gumagamit, (kasama ang hindi sapat na balanse ng account) magkaroon ng singilin o kabayaran sa pagpapawalang-bisa ang Gameforge, ang gumagamit ang sasagot sa kaugnay na gastos. Ang Gameforge ay pinapayagan na hilingin ang gastos at nadagdag na singilin. Kung ang pagbabayad ay ginawa sa pamamagitan ng credit card, ang mga hindi nabayaran na singilin ay magkakaroon ng hanggang 50 EUR sa bawa’t credit card na transaksyon at singilin ng bangko na natamo Gameforge. Ang Gameforge ay may karapatan na sumingil ng karagdagang kabayaran.
9. Limitasyon ng pananagutan
9.1 Ang gumagamit ay direktang mananagot sa pangatlong partido sa mga paglabag sa kanilang karapatan. Pumapayag ang gumagamit na bayaran ang Gameforge para sa lahat ng pinsala na nagmula sa hindi pagtupad ng obligasyon sa patakaran ng paggamit na ito. Pinapalaya ng gumagamit ang Gameforge mula sa lahat ng paghahabol, na ang ibang gumagamit o ibang pangatlong partido ang nagsampa laban sa Gameforge dahil sa paglabag sa kanilang karapatan sa nilalaman na inilagay ng gumagamit o dahil sa paglabag ng ibang obligasyon. Ang gumagamit ang magbabayad para sa gastos ng legal na tagapagtanggol ng Gameforge kasama na ang lahat ng gastos ng abogado at korte. Hindi ito gagamitin kung ang gumagamit ay walang pananagutan sa pagkakalabag.
9.2 Ang pananagutan ng Gameforge, sa anumang legal na dahilan, kung ito ay dahil sa maling pangangasiwa sa kontrata o paglabag sa tungkulin ay mapapasyahan sa huli na alinsunod sa sumusunod na patakaran:
9.2.1 Kung saan ang Gameforge ang magbibigay ng kani-kanyang dahilan ng pananagutan sa serbisyo ng walang bayad, ang Gameforge ay may pananagutan lamang para sa malisiya at lubos na kapabayaan.
9.2.2 Kung sakali na may siningil na serbisyo, ang Gameforge ay may buong pananagutan para sa malisya at lubusang kapabayaan at pati na kung mayroong kaso ng personal na kapinsalaan, para sa maliit na kapabayaan dahil sa paglabag sa obligasyon ng kontrata, sa kakulangan ng Gameforge at di-ikaaari. Ang pananagutan sa paglabag sa obligasyon ng kontrata ay limitado sa kauri na pinsala sa kontrata, na kailangan asahan ng Gameforge sa pagtatapos ng kontrata batay sa alam na kalagayan ng panahon na iyon.
9.2.3 Walang pananagutan ang Gameforge para sa kaguluhan sa loob ng network na hindi sanhi ng Gameforge.
9.2.4 Para sa nawalang data ang Gameforge ay walang pananagutan alinsunod sa naunang mga talata, kapag ang pagkawala ay maiiwasan sa pamamagitan ng sapat na hakbangin na backup ng gumagamit.
9.2.5 Ang naunanglimitasyon ng pananagutan ay hindi magagamit kung sakaling may malinaw na garantya ang Gameforge, sa kaso ng malisiya at pinsala sa dahilan ng kawalan ng buhay, biyas o kalusugan at pati rin kung sakaling may iniuutos na regulasyon na ayon sa batas.
10. Panahong itatagal ng kontrata; pagbura ng user accounts
10.1 Maliban kung ipinahayag sa kani-kanyang larong online o iba pang mga serbisyo, ang kontrata para sa paggamit ng Gameforge portal at larong online at iba pang inihahandog na serbisyo ay para sa walang taning na panahon. Ito ay nagsisimula sa pagpaparehistro o sa aktibasyon ng Gameforge.
10.2 Ang kontrata ay maaring tapusin ng sinuman sa dalawang partido, kahit kailan at may madalian na epekto, sa kondisyon na walang napagkasunduang pansamantalang panahon ng kontrata. Kung may napagkasunduang pansamantalang panahon ng kontrata, ito ay maaring tapusin ng wasto sa makalipas lamang ang nasabing panahon. Kung ito ay hindi nakansela, ang kasalukuyan na pansamantalang kontrata ay awtomatikong papatagalin base sa orihinal na pinagkasunduuan na tagal ng kontrata.
10.3 Sinuman sa dalawang partido ay may karapatan na tapusin ang kontrata na may dahilan na hindi kinakailangan magbigay ng abiso. Ang mahalagang dahilan ay bumubuo, lalong-lalo na kung
a) ang gumagamit ay hindi makabayad ng singilin, at hindi pa din nagbabayad kahit na may mga abiso,
b) mayroong umiiral na pag-uugali na nakakaepekto sa karanasan ng ibang manlalaro na hindi mahalaga,
c) ang mga pandaraya, mods at/o "hacks" at pati ang iba pang uri ng software, kagamitan o scripts ay ginagamit na nakakapagbago sa karanasan ng paglalaro o ang mekanismo ng laro ng mga larong online,
d) naglalaro ang mga pangatlong partido sa user account ng gumagamit, maliban kung ang patakaran ay nagbibigay ng tiyak na pagpapaliban.
e) ang gumagamit ay naglalaro sa user account ng pangatlong partido o gumagamit ng higit sa isang user account sa bawa’t larong online,
f) ang gumagamit ng mga tunay na bagay na ginagamit sa mga larong online ay ginamit ito sa labas ng larong online, sinubukan na bumili o magbenta para sa “tunay” na pera o sinubukan na makipagpalitan o
g) ang gumagamit ay lumabag sa mga batas, sa mga patakaran ng paggamit na ito, dagdag sa umiiral na kondisyon at/o tuntunin ng laro.
10.4 Ang kahit na anong pagwawakas ay kailangang nakasulat. Ang mga pagwawakas na ipinadala sa pamamagitan ng e-mail ay maituturing na nakasulat.
10.5 Sa harap ng lehitimong dahilan (halimbawa: pinahabang panahon ng kawalang-galaw), ang Gameforge ay may karapatan na kanselahin ang user account. Bukod doon, ang Gameforge sa diskresyon nito ay may karapatan burahin ang user accounts sa pagtatapos ng kontrata.
11. Pagkapribado
11.1 Ang personal na data ng gumagamit ay iniipon, pinoproseso o ginagamit lamang kapag pumayag ang gumagamit o ang Federal Privacy Act (Data Protection Act), ang Telemedia Act (TMG) o ibang batas ay pinapayagan ito o nangangailangan dito.
11.2 Marami pang detalye batay sa pahayag ng pagkapribado ng Gameforge.
12. Umiiral na batas, Hurisdiksyon
12.1 Ang batas ng Federal Republic of Germany ang gagamitin, hindi kasama ang CISG.
12.2 Kung ang gumagamit ay walang pangkalahatang hurisdiksyon sa Germany o kapag ang gumagamit ay isang mangangalakal sa kondisyon ng Commercial Code, ang hurisdiksyon para sa lahat ng alitan ay ang punong tanggapan ng Gameforge. Ang Gameforge ay may karapatan din na magdemanda sa pangkalahatan na hurisdiksyon ng gumagamit.
13. Ang mga pagbabago sa patakaran ng paggamit, iba pa, komunikasyon, sugnay ukol sa pagtakas
13.1 Nakareserba sa Gameforge ang karapatan na baguhin ang mga patakaran na ito sa kahit na anong panahon at hindi kinakailangan magbigay ng dahilan. Sa log-in, pinapaalam sa mga gumagamit ang mga nabagong kondisyon sa Gameforge portal o ang kani-kanyang larong online ng hindi hihigit sa dalawang linggo bago ito ipatupad. Maari din na ipaalam ng Gameforge sa gumagamit sa pamamagitan ng e-mail, ang nabagong kondisyon o ituro na ang mga binago na patakaran ay makukuha sa Gameforge Internet page. Ipinapahayag ng gumagamit ang pagpayag sa pagkatotoo ng mga binago sa patakaran sa paggamit sa pamamagitan ng log in sa Gameforge portal o sa larong online pagkatapos na ang pagbabago sa patakarab sa paggamit ay ipinatupad. Hiwalay na ipinaaalam ng Gameforge sa gumagamit sa angkop na uri ang kahalagahan ng dalawang linggo na takdang panahon, ang karapatan ng pagtutol at konsikuwensiya ng pananahimik.
13.2 Ang gumagamit ay maaring maglipat ng karapatan at obligasyon sa ilalim ng kontrata na ito kapag mayroong naunang nakasulat na pagpayag mula sa Gameforge.
13.3 Ang gumagamit ay may karapatan lamang na magtakda, kapag ang kanyang panlaban na kahilingan ay napatibay ayon sa batas o kinilala ng Gameforge at hindi nilabanan. Maari lang gamitin ang karapatan ng pamamalagi ng gumagamit kung ito ay paghahabol na ugnay sa kontrata na ito.
13.4 Ang Gameforge ay nakikipag-usap sa gumagamit – maliban kung ipinahiwatig ng iba sa patakaran ng paggamit na ito – kadalasan ay sa pamamagitan ng e-mail. Sinisiguro ng gumagamit na ang e-mail na sinabi noong nagparehistro ay madalas na tinitignan para sa mga mensahe na mula sa Gameforge. Kapag tumatawag sa Gameforge, kailangan sabihin ng gumagamit kung saan larong online at kung anong user account an kanyang tinutukoy.
13.5 Ang kahit na anong pagbabago at/o pagpapawalang-bisa sa patakaran ng paggamit na ito ay kailangan ay nakasulat. Tumutukoy din ito sa mga pagbabago at/o pagpaubaya ng nakasulat ng pormularyo.
13.6 Kung alin man sa mga kondisyon sa patakaran ng paggamit na ito ay maging o hindi maging mabisa at/o tutulan ang kondisyon na ayon sa batas, ang bisa ng natitirang kondisyon ng patakaran ng paggamit ay hindi apektado. Ang hindi mabisa na kondisyon ay papalitan ng partido ng ganoong kondisyon, kung alinman ang ayon sa batas na pinakamalapit sa ekonomikong-pananaw at layunin ng walang bisa na kondisyon. Ang nasa itaas na kondisyon ay gagamitin kung sakaling may lusutan na naalinsunod.
Karlsruhe, Ika-15 ng Enero, 2009
Gameforge Productions GmbH
Albert Nestler-Strasse 8
D-76131 Karlsruhe
District Court Mannheim, HRB 701682
Tax identification number: DE254298652
CEO: Klaas Kersting